Monday, October 31, 2011

Yooohooo! update update!

Bago man lang matapos ang October gagawa na ako ng post para man lang kahit isa meron for this month.

Nakakatamad naman na kasi magkwento!

Weeeellll anyway, Madaming pagbabago ang mga naganap. Natutuwa na ako sa mga nangaaway sa akin noon. Kasi kahit na wala naman na akong ginagwang masama sa kanila, patuloy parin sila sa pagiging iritable dahil lang sa kng presensya. Bahahahaha! At oo nga pala, tatlo na pala sila :) Ayos lang naman sa akin kung dumami pa ang mga taong ayaw sa akin, madami pa din naman ang mga nagmamahal sa akin, pero mas madami padin ang walang pakeelam sa akin.

Mas nakakatuwa naman yung minamahal kong Leading man ng buhay ko :) isa siya sa mga taong alam kong mahal ako, na kahit pa na marami akong pagkakamali, marami akong imperfections, tinatanggap pa din niya ako bilang parte ng lovelife niya. hihihi!

And F.Y.I. pupunta ako sa kanya this coming December. Nawindang lang talaga ako sa mga naganap. Ang totoo, hanggang plano lang naman talaga yun dati. Ang wish ko lang naman noon, sana makpagbaksyon siya dito sa Pilipinas sa krismas, para naman mapakilala ko siya sa parents ko, na sa kasamaang palad e hindi mangyayari. Super busy naman kasi!!!

Ewan ko ba! I feel so blessed. Ni wala akong ka-amor amor magayos ng papeles ko para magkaroon ng passport, pero nung sinubukan kong magpaalam kila mama, ABA! AKALAIN MONG PINAYAGAN NILA AKOOOO!!! shiiiyet na malupeeet! Tinulungan pa ako ng tatay ko na mag-ayos ng mga kailngan ko, sinamahan pa niya ako sa mga pagpila-pila cheverloo para mapabilis ang proseso, sa pamamagitan ng kayang I.D. na kumikintab sa tuwing makikita ng mga taga-DFA at NBI hahahaha! Im so happeee :D Supurtado ako ng magulang ko sa paglalandi ko. Hahahahaha!

Sana nga magpatuloy tuloy ang mga good vibes na ito. Super nagpapasalamat talaga ako sa Diyos ko sa pagbibigay niya ng mga blessings na ito, despite of being bad to him. Siya yung isa sa mga hindi ko ikakahiyang hingian ng tawad sa mga kamaliang nagawa ko. I know. I sound so eeewweee. Pero ang saya ko lang talaga. Ang laking pasasalamat ko talaga sa mga blessing na nangyayari sa akin :)

49 days to go :D