Sa August 22 daw lalabas yung resulta ng board exam :(
Mejo nararamdaman ko na yung kaba. Sana talaga pumasa ako. Ewan ko ba. Feeling ko minsan wala akong pakeelam, parang kelangan tanggapin ko na bumagsak ako para in time na lumabas yung resulta, ready ako. O siguro defense mechanism ko lang yun. haiii.
Katatapos ko lang ng online interview ko kanina, para sa isang online english tutoring recruitment firm. takte. 50-60 pesos per 30 min. ang sahod!. 100-120 pesos per hour. ano ba naman yan! :( ang hirap kumita ng pera. walang wala pa sa sinasahod ko ngayon dun sa pinapasukan ko.
Eto na talaga yung real life. Nararanasan ko na siya ngayon. Ang sarap talaga maging estudyante. Nakakamiss.