Kaso nga lang, mejo sabihin na lang natin na nasanay na nga ako ng tuluyan na wala siya. As in parang wala lang. Parang katulad lang nang dati na single ako. Ganon na ganon, pero syempre nawala na yung kalandian.
Hindi ko na din kasi masabi na miss na miss ko na siya, lalo pa't may nakuha na nga siyang trabaho sa Singapore, maybe this is what you call 'Acceptance'. Tsaka kahit na anong frustrated man ang maramdaman ko sa hindi namin pagsasama physically, wala din naman akong magagawa e. Alam ko din naman na hindi niya ako bibiguin, confident din akong hindi niya ako dudurugin into tiny pieces. :) Kasing confident ko sa pagpasa ko sa boards.
Ngayon ang kelangan ko na lang paghirapan e ang mataas na grade. :) Ok na sa aking ang 85 :))