Monday, May 30, 2011

Paglaki ko gusto ko pong maging dutor--- my 4 year-old self

Kanina pumunta ako ng school. Para sana magreview. Kaso tinamad ako kaya umuwi din ako.

Tapos kanina din, nagtitingin tingin ako ng mga profile ng mga random friends ko sa facebook, at nakita ko sa isa sa mga profile ng mga kabatch ko dati nung highschool. Papasok siya sa FEU as a med student this coming school year. Bigla akong nakaramdam ng ingget.

Naalala ko gusto kong maging duktor dati. Alam ko napatay ko na yung pangarap ko na yun e. Ba't parang nabuhay ulit? NAKAKAINIS!