Ang saya kaya sa umaga.
Yung akala mo, magiging same routine lang yung gagawin mo, aalis ng bahay, sasakay ng tricycle magisa, bababa sa tapat ng subdivision niyo magisa, sasakay ng bus papuntang school magisa, at sa loob ng bus, magsesenti, magmumuni muni.
Kanina kasi pagkasakay ko ng bus, napansin ko may mata na nagmamatyag sa akin, hinanap ko yung mata na nararamdaman kong nakatitig sakin, may sumutsot.. Kala ko kung sino.. Isa palang pogi ang tumawag ng pansin ko. Diretso lang ako sa likod ng bus para maghanap ng bakanteng upuan, tapos yung poging sumutsot sakin, tumayo para ako'y kanyang tabihan.
Ayun. Ang saya ko lang. Ni hindi naman namin pinagusapan, mismong tadhana na yung nagpapasabay sa amin papasok sa kanya kanyang patutunguhan.
Umaga pa lang kumpleto na ang araw ko. Nakasama ko nanaman kasi yung mahal ko.