Monday, February 2, 2009

Ang gwapo kong kapartner.. BOW!

Ang gwapo nang ka-pair ko sa paggawa nang reports namen, sa sobrang kagwapuhan niya hindi kami pwedeng magsama.

Bakit?

Sa simpleng dahilan na marami ang nagseselos, may mga babaeng naiinggit sa akin dahil sa lagi ko siyang kasama.. nagiingat nga ako e. baka malingat lang ako nang saglit bigla na lang akong dambahin nang mga naglalakihan niyang fans, baka sabunutan ako nang mga bading na naloloka sa kagwapuhan niya.. mahirap na ang mga insecure pag nagalit.

Nagseselos din yung mga kalalakihang nahuhumaling sa akin. Ang totoo? nagiinit na nga ang dugo nila sa kanya e..

Ako nga din. nagiinit pag kasama siya..

Lagi ko siyang iniisip sa gabi.. hindi ako makatulog

gusto ko siyang yakapin.. tapos biglang saksak sa likod niya.. dapat kasi yung oras nang tulog ko nakukuha ko, hindi yung nagpupuyat ako kakaisip sa kanya dahil siya dapat ang gumagawa nang part sa reporting na nagiging dahilan nang pagtaba nang eyebags ko

Nagiinit ang ulo ko sa sobrang katamaran niya

Gusto ko na ngang magsolo sa reportings na ito e.. kaso naaawa na ako, kelangan niyang maghabol nang grades. kelangan niya ang matinding kapangyarihan ko para makapasa; ang nakakaasar lang, hindi siya marunong tumulong PUTANG INA! para din naman sa kanya 'to e.. maraming beses ko na siya pinakiusapan na gumawa kahit kaunting part sa report! eh wala talaga! PUTANG INA ULIT! kahit anong pukpok ko sa ulo niya; nakakapikon kasi sobrang manhid niya. walang maramdaman--kahit awa

Onting onti na lang. mauubos na ang pasensya ko